Sa pamamagitan ng Livelihood Seeding Program – Negosyo Serbisyo sa Barangay o LSP-NSB limang-put limang (55) Micro Small and Medium Enterprises (MSMEs) ang nabigyan ng Department of Trade and Industries – MIMAROPA noong Enero 14, ng sari-sari store items.
Ang nasabing programa ay tulong para sa mga tindahan sa Puerto Princesa na naapektuhan ng nagdaang bagyong Odette noong Disyembre 2021.
Ang mga nabiyayaan ay ang mga maliliit na negosyo sa Barangay. Bawat isang MSME ay tumanggap ng mga sari-sari store items o LSB-NSB Kit na nagkakahalaga ng Php 8,000 at magagamit agad sa kanilang operasyon o pagtitinda.
Samantala, naghahanda ang DTI Mimaropa sa pagdaraos ng iba pang aktibidad para mas maraming negosyo na labis na apektuhan ng Bagyong Odettee sa lalawigan ang makinabang sa LSB-NSB.