Business

TAAS-PRESYO NG LANGIS, NGAYONG ARAW

By Claire S. Herrera-Guludah

December 20, 2022

Taas-presyo ang mga produktong petrolyo ngayong araw ng Martes, ika-20 ng Disyembre pagkaraan ng ilang linggong rollback na pumabor sa mga motorista ng bansa.

 

Ang Pilipinas Shell, Seaoil at Caltex, ay tumaas ng 70 sentimos kada litro ng kanilang gasoline, samantalang nasa P2.90 ang dagdag kada litro ng diesel, at P1.65 kada litro sa kerosene.

 

May kapareho ring price adjustment sa gasolina at diesel ang Cleanfuel, Petro Gazz at PTT Philippines.

 

Naging epektibo ang oil price hike simula kaninang alas 6 ng umaga maliban sa Caltex na alas 12:01AM ng madaling araw pa nagpatupad at Cleanfuel na mamayang alas 4:01PM ng hapon magsisimula.