City News

11 sachets ng shabu, kumpiskado ng PDEA sa cargo terminal

By Hanna Camella Talabucon

September 21, 2020

Labing-isang plastic sachets ng shabu na katumbas ng limang gramo ang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Unit (PDEA) Palawan sa ginawang routine interdiction operation 7:00 AM kahapon, Setyembre 20, sa Cargo Terminal ng paliparan ng Puerto Princesa.

Sa inisyal na spot report mula sa ahensiya, ang operasyon ay nagbunga sa pagkaka-aresto ng dalawang babaeng suspek na sina Nicole at Rebecca Bunag.

Ayon pa rin sa report, isinilid ng mga suspek at itatangka sanang ipadala ang 11 sachets na shabu sa pakete ng Milo na siya namang nakumpiska ng mga awtoridad.

Sa ngayon ay hawak na ng mga awtoridad ang dalawang suspek na haharap naman sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.