Maayos na nabawi ng mga kinauukulan ang tatlong menor de edad na magkakapatid mula sa kanilang ama na hiwalay na sa kanilang ina sa kasalukuyan.
Sa post ng Women and Children Protection Center ng Police Station 2 sa kanilang social media account na WCPD PPCPO PS2 ngayong araw, nakasaad na inireklamo ng isang ina na bigla na lamang umanong kinuha ng dati niyang kinakasama ang kanilang mga anak nang hindi nagpapaalam sa kanya.
Bunsod nito ay nagsagawa ng “Rescue and Police Assistance” ang Police Station 2 ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) dakong 11 PM kahapon, June 16, 2021 sa Riverside, Brgy. Sta. Monica.
Tumulak sa lugar sina WCPD Investigator PCpl. Analyn Padilla at PMSg. Mary Grace Cabrestante, katuwang si CSWD Social Welfare officer Rolando Sta. Maria, at ang pang tauhan ng pulisya.
Sa huli ay matagumpay namang naibalik ang mga kabataan sa kanilang ina/complainant.