photo by Sevedeo Borda III / Palawan Daily News

City News

300 Chinese nationals inaresto dahil sa illegal cyber operation sa lungsod ng Puerto Princesa

By Michael Escote

September 16, 2019

Mahigit 300 mga Chinese national na diumano’y sangkot sa Illegal Cyber Operation ang inaresto sa ginawang simultaneous operations ng Bureau of Immigration sa walong establisyemento sa Lungsod ng Puerto Princesa ngayong araw, September 16, 2019.

Ayon sa BI, nahuli ang mga tsino sa pamamagitan ng joint intelligence operations ng kanilang Intelligence Division at ng Intelligence Service Armed Forces of the Philippines o ISAFP.

Pawang walang working permit at visa ang mga nahuling banyaga.

Sa ngayon, hawak na ng mga otoridad ang mga tsino at nakatakdang dalhin sa kamaynilaan para iproseso ang pagpapauwi sa kanilang bansa.

Matatandaang nitong mga nakalipas na buwan ay biglang dumami ang bilang ng mga Chinese nationals sa syudad dahil sa online gambling.