City News

4 COVID-19 patients sa Puerto Princesa, gumaling na

By Diana Ross Medrina Cetenta

October 24, 2020

Malugod na ibinalita ng City Information Department ng Puerto Princesa City na mayroong bagong apat na gumaling mula sa Coronavirus disease-2019 (COVID-19).

Base sa COVID-19 Update ng CID-PPC kahapon na ang impormasyon ay mula sa Incident Management Team (IMT), nakasaad na ang mga bagong recovery ay isang 25 taong gulang na lalaking residente ng Brgy. San Jose, 22 taong gulang na babaeng mula sa Brgy. San Manuel, 26 taong gulang na lalaking mula sa Brgy. Tiniguiban at 22 anyos na babaeng mula naman sa Brgy. Sta. Monica.

Mula naman sa kabuuang 117 COVID-19 confirmed case sa kasalukuyan sa Lungsod ng Puerto Princesa, pito na lamang ang active case habang 109 ang recovered at isang death.

Nasa 102 katao rin ang nasa Quarantine Facility sa ngayon habang 25 ang nakalagak sa isolation Facility.