Pasado na sa ikalawang pagbasa sa Sangguniang Panlungsod sa regular session ng ika-17 Sangguniang Panlungsod ang resolusyon ni SK Federation President Myka Magbanua at Konsehal Judith Bayron ang pagkakaroon ng Adolescent-Friendly Health Facilities sa pitong barangay sa Puerto Princesa.
Ang mga Barangay San Jose, Irawan, Bacungan, Barangay Sicsican, Mangingisda, San Manuel, at Barangay Bancao-Bancao na mayroong record sa Department of Health na may mataas na bilang ng teenage pregnancies.
Layunin ng resolusyon na ito ang mabigyan ng serbisyong pangkalusugan ang mga kabataan kaugnay sa teenage pregnancy.
Ayon kay SK Federation President Magbanua, ang pitong mga barangay na pagtatayuan nang Health Center for Health Workers ay para sa mga kabataan mula sa kani-kanilang mga barangay na may mataas na kaso ng teenage pregnancy. Upang maliwanagan ang mga kasamahan nito sa konseho, ipinaliwanag ni Magbanua ang Adolescent Friendly Health Facility.
“Atin pong tinutukoy sa Adolescent Friendly Health Facility ay ang pagtatayo po sa mga Barangay kasama na ang mga Sangguniang Kabataan at mga kawani po mula sa tanggapan ng kalusugan ng Pamahalaang Panlungsod ng Puerto Princesa ng isang pasilidad doon sa kanilang mga Barangay. Na pawang mga kabataan lamang po ang tinatanggap upang mabigyan ng serbisyo pangkalusugan, kasama na po doon yung nababanggit ni Konsehal Dilig simula po [sa] Comprehensive Sexuality Education hanggang sa pagbibigay ng mga contraceptives, kasama rin po doon ang pagbibigay ng condom at ibat-ibang pamamaraan ng kontraseptibo at kasama din po diyan yung Family Planning. Hanggang doon po sa pakulo ng ating mga Adolescent Friendly Health Facility upang maiwasan at maitaguyod natin ang pagpapababa ng maagang pagbubuntis sa sektor ng mga kabataan,” ani ni Magbanua.
Dagdag pa nito, ang mga barangay na lalagyan ng pasilidad ay sa pakikipagtulungan ng Challenge Initiative Philippine, kasama ang Duly Family Foundation upang makapagpatayo sa lahat ng health facility mula sa Barangay at sa health facility ng pamahalaang panlungsod na magkaroon ng adolescent para sa mga kabataan.
Layunin din nito ay upang hindi mahiya ang mga kabataan na mag avail ng mga serbisyong pangkalusugan, dumaan din ang pitong Barangay sa free assessment upang sa ganun ay maging accredited ang kanilang facility.
Samantala, tinitingnan naman ni SK Magbanua na ang posibilidad na magkaroon ang lahat ng mga Barangay nang adolescent friendly Health Facility at wala rin magiging problema dahil pondo naman umano ng mga Barangay ang ipapagawa sa mga planong pasilidad.