City News

AFP, muling nakarekober ng iba’t-ibang kagamitan mula sa makakaliwang grupo

By Jane Jauhali

February 05, 2022

Nagpapatuloy ang ginagawang focused military operations ng Joint Task Force Peacock ng JTG-North/Marine Battalion Landing Team-3, intel operatives’ ng JITU-N (TG2, JTG-North; 3MCIC, MCIBn) at NISG-West sa bayan ng Roxas, Palawan.

photo credits to 3rd marine brigade

Batay sa report ng 3rd Marine Brigade, ganap na 1PM noong Martes, Enero 1 sa Brgy. Tinitian, ay matagumpay na naka-rekober ang mga sundalo ng dalawang M14 Rifle. Samantala, 11AM naman noong Biyernes, Enero 4 sa Sitio Bayugon, ng parehong barangay ay panibagong kagamitan ang muling na-rekober ng AFP kabilang na ang isang M14 Rifle, apat na improvised hand grenades, 206 ng 7.62mm na bala, limang M14 magazine, isang bandolier at isang bag na naglalaman ng iba’t-ibang uri ng subversive na dokumento.

Photo credits to 3rd marine brigade

Ang mga kagamitan na narekober ng kasundaluhan ay naisakatuparan sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng mga dating miyembro ng makakaliwang grupo na sumuko sa pamahalaan at na naging daan upang malaman kung nasaan nakabaon ang mga gamit.

“The JTF Peacock’s continues recovery of war materials and high-powered firearms was achieved because of the reliable information from the locals.  The people are now unafraid to divulge to the military the location of these CTG war material. It is a proof that the people of Palawan, especially those in the hinterlands that were previously frequented by the CTG, have now realized that they were deceived by these Communist Terrorists,” pahayag ni Bgen Jimmy Larida ng 3rd Marine Brigade.

Photo credits to 3rd marine brigade

Muling nagpapasalamat ang opisyal sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Palawan Provincial Task Force ELCAC ng gobyerno sa patuloy na pakikipag-kaisa sa pagpuksa ng mga Communist Terrorist Group.