Photo Credits to City Mayor's Office - Puerto Princesa

City News

Bagong opisina ng Bureau of Customs, pinasinayaan na

By Jane Jauhali

February 28, 2023

 

Pinasinayaan na noong Pebrero 23  ang bagong opisina ng Bureau of Customs – Subport of Puerto Princesa sa Barangay Santa Monica, Puerto Princesa City, Palawan.

 

Ang pagpapatayo ng nasabing gusali ay bunga sa pakikipagtulungan ng City Government sa

BOC-Port of Batangas na nagbigay ng lupa na sinimulan ang konstruksyon noong November 2021.

 

Ang nasabing pagpapasinaya ay dinaluhan ni Puerto Princesa City Mayor Lucilo R. Bayron, mga opisyales ng Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Plant Quarantine, National Housing Authority at Bureau of Treasury.