Bangkay, natagpuan sa Barangay Irawan

0
549
ctto
- Advertisement -

Isang bangkay ang natagpuan sa South National Highway, Irawan, alas kwatro ng umaga, Oktubre 31, 2018.

Ito ay nai-report sa otoridad matapos makita ni Paquito Duran, nang madaanan nito ang lalakeng wala nang buhay at may sako sa bandang ulo na may taling lubid.

Wala namang nakitang sugat sa katawan ng lalake maliban sa bahid ng dugo sa mukha nito.

Ayon sa panayam kay Bgy. Kagawad Henry Cabarrubias ay marahil itinapon lamang ang bangkay sa lugar, hinala nila’y tinalian sa leeg ang biktima at hinila ng motorsiklo papunta sa lugar.

“Well kita naman at kita naman ng mga taga SOCO na tinapon lang dito. Ang bangkay ay tinalian sa leeg. May tali ang leeg at maaring ito ay hinila ng sasakyan papunta dito sa lugar,” pahayag ni Cabarrubias.

Aniya ay maaring hindi residente ng Bgy. Irawan ang biktima sapagkat wala namang ni isang taga Irawan ang nakakakilala dito.

- Advertisement -

Patuloy pa din ang imbestigasyon ng pulisya, samantalang hindi pa din natutukoy ang pagkakakilanlan ng nasabing biktima.

- Greetings -

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here