Photo from Google Map

City News

Barangay San Jose, hindi ila-lockdown – IMT

By Gilbert Basio

February 08, 2021

Nilinaw ng Puerto Princesa City Incident Management Team na hindi ila-lockdown ang Barangay San Jose matapos na pumanaw ang isang residente sa lugar na nagkaroon ng kumplikasyon kaugnay ng COVID-19 kahapon, Pebrero 7, 2021.

“Actually yung tungkol sa lockdown na yan eh sabi nga natin mga fake news yan. So yung mga pag-la-lock down, may mga requirements na sinusunod at yung kahuli-hulihan ay ito ay pag-approve ng ating Puerto Princesa City IATF. Sila lang talaga ang mag-a-approve lang diyan. Kami ay puwede lang mag-recommend diyan. Pero for right now dahil sa nangyaring mayroon tayong casualty po sa COVID-19 ay hindi ibig sabihin na ila-lockdown mo yung isang barangay for that.” Pahayayag ni Dr. Dean Palanca, Incident Management Team Commander.

Ipinaliwanag din ni Dr. Palanca na kaya nagkaroon ng lockdown noon nang may namatay kaugnayng COVID-19, ay dahil sa nangangapa pa ang pamahalaan sa pagpapatupad ng health and safety protocols at matagal ang paglabas ng resulta ng swab sample.

“Ang nakikita ko kaya tayo nag-lockdown dati sa [Barangay] Tanabag, number 1, hindi pa natin alam yung requirements o yung mga protocols na sinusunod. Bago pa lang tayo gumagawa ng protocols at saka yung national [government] kapa pa yun eh. Then number 2, wala kaming pang swab [test o RT-PCR] nung time na yan. Ipapadala mo pa yan sa Manila. Kaya iba yung sitwasyon noon sa sitwasyon ngayon. At may mga policies na paano mag-lockdown.”

Para naman kay Fatima, isang residente sa Barangay San Jose. Ayaw nitong maisalalim sa lockdown ang kanilang barangay dahil magiging mahirap umano ang sitwasyon sa kanilang lugar.

“Hindi (ayaw na magkaroon ng lockdown sa kanilang lugar), ginagawa naman ng gobyerno lahat ng paraan para at least mas magaan [sa mamamayan] hindi lang lockdown agad. Alam na nila (pamahalaan) ang gagawin hindi tulad dati na aligaga tayo kapag may nag-COVID ngayon alam na ng gobyerno kung ano ang dapat gawin at kung paano masosolusyunan.”

Samantala iba naman ang paniniwala ni Ngai hindi tunay na pangalan at residente rin sa Barangay San Jose. Payag umano sya na magkaroon ng lockdown sa kanila para maiwasan ang pagkahawa-hawa ng virus.

“Sa akin okay lang naman na i-lockdown. Ang iniisip ko ayaw ng barangay kasi baka wala nang pondo. Okay lang din para sa kaligtasan ng marami at maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa aming barangay.”

Ayon naman kay Kapitan Estrella A. Salvador, Barangay San Jose, naniniwala ito na hindi na kailangan i-lockdown ang kanilang barangay dahil nasa isang compound naman ang pamilya ng pasyente.

“Maayos naman po kasi ang compound nila. May kanya-kanyang tahanan sila, yung mga anak so hindi naman kailangan i-lockdown siguro dahil maayos naman po. Ang IATF (Inter-Agency Task Force) lang at saka ang City Government yung mag-order kung kailangan bang i-lockdown.”