Iniutos ni Mayor Lucilo Bayron na agarang ipahinto ang di umano’y slope rehabilitation sa Kilometer 35 sa Barangay Napsan dahil sa quarry operation sa lugar.
Isinaad ng mga konsehal sa Sangguniang Panlungsod Session nitong ika-24 ng Setyembre, 2018, na ipinatawag ng alkalde ang mga nasasangkot sa nasabing usapin.
Kaugnay niyan ay sa ikalimang pagkakataon ay muling isasalang ito sa “Question and Answer” ng konseho.
Dito rin ipinahayag ni City Disaster Risk Reduction Management Officer (CDRRMO) Earl Timbancaya na taliwas nga sa kanyang recommendation letter ang ginawa ng Ivy Michelle Construction company sa naturang lugar.
Payo ni Kagawad Nesario Awat na muling gumawa ng sulat patungo sa alkalde na naglalaman ng impormasyon na lumabag at hindi nilabag ng ku!mpanya ang ninanais ng slope rehabilitation para sa Kilometer 35, Barangay Napsan.
Samantala, magsasagawa naman ng admin hearing at iba pag pagsusuri ang City Environment and Natural Resources (CENRO) upang mabigyan ng karampatang tugon ang kamalian ng Ivy Michelle construction Company.
Discussion about this post