Mayor Lucilo Bayron. Larawang kuha ni Mike Escote / Palawan Daily News

City News

Bayron sa Paleco: Pagandahin ang serbisyo

By Mike Escote

November 16, 2019

Hinamon ni Puerto Princesa City Mayor Lucilo Bayron ang mga opisyales ng Palawan Electric Cooperative (Paleco) na pagandahin pa ang serbisyo nito.

Ayon kay Bayron, sa loob ng mahigit isang taon ay nakakaranas ang Syudad ng brownout at blackouts na naging dahilan kaya hindi naging maganda ang relasyon ng city govermet at paleco officials.

Sa katunayan ay humantong umano ito sa pagsasampa ng kaso ng City Hall sa mga opisyal ng Paleco.

Matapos umano ito ay gumawa naman ng hakbang ang Paleco para mapabuti ang serbisyo nito sa mga consumers kaya ngayong hapon ay kaniyang kinikilala ang ginawang pagbabago ng Paleco.

Magkagayunman ay hindi pa buo ang kaniyang kasiyahan sa daloy ng kuryente sa Lungsod.

“Medyo maayos na pero hindi pa talaga ako masayang-masaya,” giit ni Bayron.

SInabi pa ni Bayron na dumalo siya sa 39th Annual General Membership Assembly(AGMA) ng Paleco sa City Colisuem ay para iparating ang kaniyang hamon sa mga opisyal ng Paleco.