City News

Binaha ang ilang bahagi ng lungsod ng Puerto Princesa dahil sa malakas na ulan

By Michael Escote

September 12, 2019

Binaha ang ilang bahagi ng lungsod ng Puerto Princesa kaninang umaga sa kasagsagan ng malakas na ulan.

Sa kuhang litrato ng netizen na si Mae Angeline Gupong Lumogda, binaha ang North National Highway sa tapat ng isang shopping center.

Dahil dito ay tinatanong niya kung saan ang drainage at paano na lamang umano kung umulan ng tatlo hanggang limang araw, saka lang daw ba gagawa ng paraan?

Sa Facebook post naman ng isang Jaq Tambal, isang kalye sa Purok Kaakbayan sa Bgy Tiniguiban ang lubog sa baha.

Samantala, sa litratong kuha naman ni Ace Phia, makikita ang isang basketball court na napuno ng tubig baha.

Samantala, agad nakipag ugnayan ang Palawan Daily News kay City Information Officer Richard Ligad para alamin kung ano ang kanilang masasabi sa komento ng mga netizen at malaman ang drainage system project ng pamahalaang panlunsod subalit hindi pa siya sumasagot.