Naging madamdaming ang binigkas na privilege speech ni Board Member Al Nassier W. Ibba sa nakalipas na Regular Session ng Sangguniang Panglalawigan ng Palawan nitong nakalipas na ika-10 ng Enero, 2023.
Sa kanyang talumpati isinalarawan ni Ibba ang kabuuang nangyari sa dalawang bayan ng Southern Palawan partikular na ang bayan ng Brooke’s Point na kung saan tinatayang 11,000 na pamilya ang naapektuhan ng matinding pag-ulan at pagbaha dulot ng Low Pressure Area (LPA), samantalang mahigit sa limang daang pamilya ang naapektuhan mula sa bayan ng Sofronio Española maliban pa sa mga pangunahing kalsada, agrikultura at imprasktura ng mga bayan.
Kaugnay nito, mariing hiniling ni Ibba na kagyat na aprubahan ang kanyang dalawang resulosyon na iniakda na mayroong titulong “A Resolution urging Governor Victorino Dennis M. Socrates through Provincial Agriculturist to Provide Financial Assistance to the Farmers and Fishers folk that were affected by Low Pressure Area in The Second District of Palawan gayundin ang “A Resolution urging Governor Victorino Dennis M. Socrates through Provincial Engineering Office to look the Total Damage in Infrastructure in the Second District of Palawan.”
Bukod dito hiniling din ni Ibba sa pamahalaang nasyunal na nawa’y magkaloob ng tulong pinansiyal sa mga naapektuhang pamilya at indibidwal.
Bukod pa sa kanyang pasasalamat sa mga kompanya, organisasyon at sa pamahalaang local ng Puerto Princesa na nauna nang nagpaabot ng tulong pinansiyal para sa mga naaapektuhan ng pagbaha at malakas na pag-ulan sa Brooke’s Point at Sofronio Española.
Buo ang kumpiyansa ng lokal na mambabatas ng Sur na mabibigyang aksyon ang kanyang kahilingan at minsan pa ay maipakita ang pagtutulungan ng lahat ng mga mamamayan sa panahong dumaranas ng kalamidad.