PUERTO PRINCESA CITY – Bangkay na nang madatnan ang 19-anyos na estudyante sa kanilang boarding House sa Barangay San Pedro pasado alas-5:00 ng hapon, Hulyo 4.
Nagbigti ito gamit ang electrical wire.
Sa impormasyon na ipinaabot ng Puerto Princesa City Police Station 1, hindi pa nila matukoy ang dahilan o motibo ng pagbibigti nito dahil sa kasalukuyan pa ring ay nagsasagawa ng imbestigasyon.
At bilang pagrespeto na rin sa biktima, maging sa mga kamag-anak nito, ay hindi ilalathala ng Palawan Daily News ang pangalan ng college student na nagbigti