Friday, April 23, 2021
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Business
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Business
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
Home City News

City Veterinary Office, may libreng programa sa paghahayupan

Diana Ross Medrina Cetenta by Diana Ross Medrina Cetenta
July 25, 2020
in City News
Reading Time: 2 mins read
A A
0
City Veterinary Office, may libreng programa sa paghahayupan
Share on FacebookShare on Twitter
Print Friendly, PDF & Email

Inaanyayahan ngayon ng City Veterinary Office ang mga mamamayan ng lungsod na samantalahin na ang programa ng kanilang tanggapan para sa pag-aalaga ng hayop na pwedeng maging pagkakitaan.

Sa panayam kamakalawa ng “Story Café,” ang newest online series ng Palawan Daily News, binanggit ni City Veterinarian Indira Santiago na naglaan ng P15 milyon ang Pamahalaang Panlungsod para sa livestock farming na igagawad sa mga residente ng siyudad na apektado ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) gaya ng mga nasa sektor ng turismo, mga drayber at iba pa.

RelatedPosts

14-day inbound travel suspension, hiniling ng Puerto Princesa sa RIATF

Ayuda sa Barangay Sta. Monica posibleng ibigay na sa Huwebes

Pagbakuna ng AstraZeneca inaasahan papayagan muli ng DOH – PPC-COVAC

Kasama na umano rito ang mga hanapbuhay na nasagasaan ng COVID-19, ang mga biglang nawalan ng trabaho o nagkulang ang sustensto sa pamilya. Ito aniya ang pinakamaliit na kayang maitulong ng City Government na kung mapagyayaman ng nakatanggap ay maaaring maging malaking negosyo.

Ani Dr. Santiago, 3,000 pamilya ang target ngayong benepisyaryo ng programa na mapaglalaanan ng P5,000 na halaga—depende  sa kung ano ang gusto nilang alagaan, kung iyon ay baboy, manok o itik.

“Ito naman ay start-up lang at kapag nakita ng tao na ‘Ah! Maganda pala ito. Productive pala ako sa ganito!’ Pwede naman siyang mag-expand on his own. Pero sa atin lang, ma-encourage sila ngayon at makita na may potensiyal pala ‘yong livestock farming sa Puerto Princesa,” ani Santiago.

Para maka-avail ay sumulat lamang umano sa kanilang tanggapan bago mag-Oktubre at sabihin kung ano ang gustong aalagaang hayop. Pagkatapos nito ay i-evaluate ng ahensiya kung ang lugar na napili ng isang aplikante ay akma sa nais niyang hayop na aalagaan at kapag naaprubahan ay kailangang sumailalim sa partikular na pagsasanay ang benepisyaryo.

Inihalimbawa rin ni Dr. Santiago na sa pag-aalaga ng manok, ang kadalasang naibibigay  ng City Government ay walong babaeng manok at dalawang lalaking manok na kung makapagpangitlog na ay malaking tulong para sa pang-araw-araw na pangangailangan isang pamilya.

“Pag na-collate na natin ang mga nangangailangan ng manok, bago lang ipu-purchase ang manok. [Ganoondin], kapag nalaman na natin [kung sino ang may] gustong mag-alaga ng itik, bago lang din ipu-purchase ang itik, [ganoondin sa baboy],” saad pa ng pinuno ng ahensiya.

Simula namang napaskil ang poster isang araw bago ang “Story Café” na feature si Dr. Santiago, napakaraming mga tao na ang interesadong subukan ang paghahayupan. Sa ngayon, mayroon pang nasa 2500 slot sa mga nagnanais mapasama sa nasabing programa.

Ayon pa sa City Vet, isa sa mga dahilan ng nasabing hakbangin ay upang maitaguyod ang food-sufficiency ng Lungsod ng Puerto Princesa dahil iyon ang nakita ng siyudad nang nagkaroon ng lockdown.

Ani Dr. Santiago, halimbawa na lamang umano sa pangangailangan sa supply pa lamang ng karne ng baboy ay nasa 10 tonelada na ang kinokonsumo ng lungsod sa  araw-araw; hindi pa umano kasama rito ang baka at mga manok.  At sa pangangailangang iyon, nasa71 percent lamang ng supply ang napo-produce ng siyudad habang ang 29 percent ay galing na sa mga munisipyo.

“Kung gano’n kalaki ang requirement natin, makikita natin na sa ngayon ay mayroon tayong kakulangan pagdating sa production kaya gusto nating i-encourage ang mga farmers natin at itong mga gustong mag-umpisa na mag-alaga ng hayop para sa pangangailangan ng Puerto [Princesa City] ay welcome na welcome po sila,” aniya.

Nagpaalaala lamang ang head ng City Vet na ang maaari lamang mag-alaga ng mga baboy ay mula Brgy. Irawan sa south at simula sa Brgy. Tagburos sa norte, palayo sa city proper, alinsunod na rin sa kautusan ng City Zoning Department dahil sa isyung pangkalusugan.

Tags: Puerto Princesea Veterinary Office
Share52Tweet33Share13
Previous Post

CHO, isasara muna at ide-disinfect

Next Post

Insurance – a form of love language

Diana Ross Medrina Cetenta

Diana Ross Medrina Cetenta

Related Posts

14-day inbound travel suspension, hiniling ng Puerto Princesa sa RIATF
City News

14-day inbound travel suspension, hiniling ng Puerto Princesa sa RIATF

April 22, 2021
Ayuda sa Barangay Sta. Monica posibleng ibigay na sa Huwebes
City News

Ayuda sa Barangay Sta. Monica posibleng ibigay na sa Huwebes

April 21, 2021
Pagbakuna ng AstraZeneca inaasahan papayagan muli ng DOH – PPC-COVAC
City News

Pagbakuna ng AstraZeneca inaasahan papayagan muli ng DOH – PPC-COVAC

April 20, 2021
Red-tagging sa mga Community Pantries, walang basehan
City News

Red-tagging sa mga Community Pantries, walang basehan

April 20, 2021
PPC-COVAC hinikayat ang mamamayan na magparehistro online sa COVID-19 vaccination
City News

PPC-COVAC hinikayat ang mamamayan na magparehistro online sa COVID-19 vaccination

April 18, 2021
Food Set Go, Puerto Princesa’s latest food delivery app offers very low rates
Business

Food Set Go, Puerto Princesa’s latest food delivery app offers very low rates

April 16, 2021
Next Post
Life Hacks during pandemic

Insurance – a form of love language

Mag ‘Zumba online’ ngayong tag-ulan

Ang paghahanda

Discussion about this post

Latest News

Former Palawan’s Art and Cultural Honcho Charina Cabading-Josol is now a Youtuber

Former Palawan’s Art and Cultural Honcho Charina Cabading-Josol is now a Youtuber

April 22, 2021
14-day inbound travel suspension, hiniling ng Puerto Princesa sa RIATF

14-day inbound travel suspension, hiniling ng Puerto Princesa sa RIATF

April 22, 2021
Ayuda sa Barangay Sta. Monica posibleng ibigay na sa Huwebes

Ayuda sa Barangay Sta. Monica posibleng ibigay na sa Huwebes

April 21, 2021
2nd solar pump project, itatayo ng NIA-Palawan sa Bayan ng Rizal ngayong Abril

2nd solar pump project, itatayo ng NIA-Palawan sa Bayan ng Rizal ngayong Abril

April 20, 2021
Pagbakuna ng AstraZeneca inaasahan papayagan muli ng DOH – PPC-COVAC

Pagbakuna ng AstraZeneca inaasahan papayagan muli ng DOH – PPC-COVAC

April 20, 2021

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    13164 shares
    Share 5266 Tweet 3291
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    9838 shares
    Share 3935 Tweet 2460
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    8875 shares
    Share 3550 Tweet 2219
  • JCA to Danao: Hindi ka na-elect para magbuhat ng bigas

    5846 shares
    Share 2338 Tweet 1462
  • DOH-CHD considers untested dead PUI to be COVID positive

    5056 shares
    Share 2022 Tweet 1264
Palawan Daily News

© 2020 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Business
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us