Nagkabanggaan ang dalawang motorsiklo sa harap mismo ng San Jose Memorial Park mga alas diyes kinse nitong umaga lamang, ika-9 ng Setyembre 2018.
Nakilala ang isa sa mga drayber na si Dennis Sarzuelo, security guard ng Robinson’s Place Puerto Princesa City.
Galing si Sarzuelo sa trabaho sakay ng kanyang motorsiklo at habang tinatahak nito ang National Highway, bigla nitong nabangga ang isang scooter na mula sa Macopa Street sa Barangay San Jose.
Dahil bigla nalang umanong sumulpot ang nasabing scooter sa highway, hindi naka preno agad si Sarzuelo at nabangga nito ang motor.
Ang hindi pa nakilalang drayber na bumangga kay Sarzuelo ay may baon pa itong isang bote ng Red Horse at walang helmet ang drayber na ito.
Agad namang rumesponde ang ambulansya para dalhin ito sa bahay pagamutan, habang si Sarzuelo naman ay nabutas lang ng konte ang pantalon nito at nagtamo ng maliit na gasgas lamang.
Discussion about this post