EKSLUSIBO: Pagnanakaw sa Mang Gary’s Bulalo at Silog Restaurant, na huli cam

0
280
- Advertisement -

Hindi inakala ng magnanakaw na makuhanan sya ng CCTV habang kumakalikot sa lagayan ng pera sa loob ng Mang Gary’s Bulalo at Silog Restaurant, ika-17 ng Abril ng umaga, habang ang gwardiya naman ay mahimbing na natutulog sa kaniyang pwesto.

Ayon kay Bong Villanueva, may-ari ng nasabing restaurant, tangay ng suspek ang humigit kumulang P20,000 na petty cash at service charge mga bandang alas-sais kaninang umaga lamang.

“Sa likod po ng kusina dumaan. First time nangyari iyon dahil nasalisihan ang gwardiya po at nakatulog. Tinanggal ko na din po ang gwardiya,” saad ni Bong Villanueva sa panayam ng Palawan Daily News, na isang kilalang may-ari din ng iba’t-ibang salon at bar dito sa lungsod at lalawigan ng Palawan.

Sa ngayon, iniimbestigahan na ng mga pulisya ang nasabing insidente.

May panawagan naman si Bong Villanueva sa mga publiko na maging mapamatyag at mag-ingat sa mga magnanakaw.

Maari ding iwasan na maglagay ng mga mamamahaling gamit malapit sa bintana katulad ng cellphone, laptop, alahas, at iba pa na pwedeng dukutin ng magnanakaw. Siguraduhin din na naka lock ang mga pintuan na pwedeng pasukin ng magnanakaw.

Kapag may sumbong dahil sa pagnanakaw, tumawag na agad sa 911 o tumungo sa pinakamalapit na presinto.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here