Patay ang 20 anyos na Filipino-Swiss na si Gilbert Rabaja matapos na maaksidente ang sinasakyan nito sa National Highway ng Pablico Road 1 Bgy. San Manuel, Puerto Princesa, ganap na 2:15 AM Oktobre 14,2021.
Ayon sa imbestigasyon ng Police Station 1, sakay ang biktima sa kotseng Honda Civic na minamaneho ni Roy Badenas Ventura ll mula North National Highway sa Brgy.San Pedro ng nawalan umano ng kontrol sa manibela dahilan upang bumangga sa sidewalk at dumiretso ito sa punong kahoy.
Nagtamo ng sugat ang driver na si Roy habang ang sakay nito na si Rabaja ay binawian ng buhay sa ospital.
Samantala, posibleng maharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide si Roy na siyang driver na ngayon ay nasa kustodiya na ng PNP.