City News

‘Fixer,’ timbog sa ginawang entrapment operation ng PNP

By Jane Jauhali

December 15, 2021

Arestado ang isa umanong fixer sa Land Transportation Office (LTO) matapos ikasa ang entrapment operation ng Police Station 1 kahapon ika-14 ng Desyembre.

Kinila ang umano’y fixer na si Mark Dela Cruz na nasa wastong gulang, at naharap sa kasong Anti Red Tape Act of 2017.

Ayon kay Police Major Alta Xerxes Y. Cabillage, station commander, nahuli mismo ang suspek na nakikipagtransaksyon sa isang kliyente.

“Nagsimula tayo umupo bilang station commander noong November 3 at nakikita natin na meron ng isang buwan na may nagaganap na illegal activities kaya hindi na natin itong pinaabot sa susunod na taon. Nagbase din tayo dahil may nakakarating sa atin na  reklamo pero walang pormal na complainant ang nangyari kami na sa kapulisan ang naging complainant,” saad ng hepe.

Samantala babala sa mga fixers na ayon sa Republic Act No. 9485 (Anti Red Tape Act ng 2017) ang fixers ay may panagutang kriminal at makukulong ng anim na taon at magmumulta ng P20,000.00 hanggang P200,000.00