Pahirapan ang pag-apula ng grassfire o sunog na nangyayari kahapon sa parteng Barangay Concepcion at Barangay Tanabag, sa bahaging norte ng Lungsod ng Puerto Princesa, kahapon, ika-10 ng Enero, taong kasalukuyan.
Mapapansing maraming mga tuyong dahon, sanga ng kahoy at iba pang mga bagay sa ating kapaligiran na madaling masunog o highly flammable na sanhi ng pagkalat ng apoy dahil karamihan nito ay mga sanga o dahon na nagmumula sa mga patay na punong kahoy na itinumba ng Bagyong Odette.
Pahirapan din ang pagresponde ng nasabing grassfire dahil hindi maakyat ng firetruck ang parte ng kabundukan.
Ang grassfire ay nagsimula alas 2 ng hapon, at naapula lampas na ng alas 7 kagabi o mahigit limang oras.
Kaya’t panawagan ng City Environment and Natural Resources Officer o City ENRO ng Lungsod ng Puerto Princesa. Atty. Carlo B. Gomez na iwasang magsunog gayung panganib ito at maaring magdulot ito ng malaking sunog na makakapinsala sa mga propredad at maging banta sa buhay ng mga mamamayan.
Ayon kay Senior Environmental Management Specialist Mary Ann Joylle Madriñan na kung hindi maiwasang magsunog ay siguraduhing gawin ang controlled burning, o isang pamamaraan na mag-establish ng fire lines o malawak na espasyo sa paligid ng sinusunog upang maiwasang kumalat pa ang apoy.