Si Von Jovie Pama nagtamo ng sugat pagkatapos nagrambolan ang kanilang grupo sa mga security guards sa Puerto Princesa New Market, Brgy. San Jose (Contributed photos).

City News

Grupo ng kabataan, security guards, nagrambolan sa Brgy. San Jose

By Sevedeo Borda III

December 15, 2018

Nag rambolan ang mga grupo ng kabataan at mga security guards sa New Market, Brgy, San Jose, Puerto Princesa City, nitong Lunes, alas onse y media ng gabi, ika-10 ng Disyembre.

Ayon sa security guard na si Jeremy Moncatar, dumaan ang grupo ng mahigit sambong kabataan kabilang na din si Von Jovie Pama at bigla umano nitong sinabihan sya ng hindi magandang salita.

“Basta pag daan nila sa amin, sabi ng isa, ‘matatapang lang ang mga sekyu na ‘yan dahil may baril. Subukan nilang ilapag yan.’ Tapos tinanong ko kung anong sabi niya, tapos nagkagulo na,”saad ni Montacar.

Tumawag pa umano ng resbak ang mga kasamahan ni Pama pero sa halip na awatin ang kanilang mga nagrambolan, nakisali pa rin daw ang mga ito at kanilang pinagtulungan si Montacar.

Inatake rin ng mga kasamahan ni Pama ang ibang mga security guards na dumating para sila ay awatin.

Saad ni Montacar na nung lumapit sya para kausapin ang mga kabataan, bigla nalang din daw siyang pinagtulungan.

“Ang dami nila eh, may sumipa sa akin, suntok, hindi ko na po alam kung saan galing,” sabi Montacar.

Rumesponde ang isa pang kasamahang security guard na si Charlie Palarca para awatin sana niya ang mga kabataan ngunit pati siya ay sinugod na din.

“Huli na po kasi akong dumating. Aawat sana ako kasi nakita ko iyong kasamahan ko na pinagtutulungan nila. Pero pati ako sinugod din nila. Masakit pa nga din ngayon ang aking lalamunan dahil tinamaan ng suntok,” sabi ni Palarca.

Nagtamo ng sugat sa likod si Pama dahil sa pananaksak at dinala sya sa ospital para gamutin. Handa naman makipag areglo ang mga security guards sa biktima na nagtamo ng sugat pero sasampahan pa din sila ng biktima ng kasong attempted homicide.