Pasado alas-nuwebe ng umaga naang magkaroon ng insidente ng pagbaril sa Barangay San Manuel, Puerto Princesa City, Agosto 15, 2018.
Di umano’y pinaputukan ng isang nakasibilyang pulis ang isang driver, kung saan ay binaril ng pulis ang gulong ng sasakyan matapos siyang takbuhan.
Ayun sa isang residenteng si alyas “Rodolfo” na nakasaksi ng pangyayari nagbabangayan umano ang dalawa ng binaril ng pulis ang gulong ng tatlong beses ang gulong ng sasakyan ng van driver matapos siya nito takbuhan.
“Pinutukan ng pulis ‘yung sasakyan, mga tatlong putok, puro gulong ang tama,” ayon kay Rodolfo. Aniya ay naalarma ang mga tao sa paligid sa nangyari lalo na nang magpaputok. “Sabihin natin na may mga kinabahan pero ako di naman ako masyadong natakot, hindi na ako lumapit sa kanila eh,” pahayag ng saksi. Kinilala ang pulis na si Police Chief Inspector Melvin Immaculata ng City Drug and Enforcement Unit (CDEU).
Samantalang, ayon sa source ng Palawan Daily News, ang insidente ay nangyari sa gitna ng operasyon, kung saan ay pinara ng pulis ang driver ngunit namukhaan ang pulis kung kaya ay tumakbo itong dali dali pakanan, dahilan upang barilin ng pulis ang gulong driver. Samantalang, nitong tanghali lamang ay natagpuan ang sasakyan bandang Pagayona Road ayon sa panayam ng Palawan Daily News kay City Information Officer (CIO) Richard Ligad ukol sa nangyaring pagkakahanap sa sasakyan.
Pahayag ni CIO ay may nakapag-ulat sa kanya na ang sasakyan ay ipinarke sa isang carwash sa nasabing lugar kung saan ay may natagpuan di umanong dalawang pakete ng pinaghihinalaang shabu. Aniya’y ayon sa mga bantay ng carwash ay ibinaba ng driver ang sasakyan upang ipa-carwash at agad na umalis na rin ito at sumakay ng tricycle.
Patuloy ang ginagawang follow up operations upang hanapin ang driver. Daglian namang nakipag-ugnayan ang PNP Regional Director Manuel Licup sa city PNP na sa ilalim ng pamunuan ni City PNP Director Ronnie Francis Carriaga.
Ipinahayag ng Regional Director na mahigpit nyang pinagbabawal sa pulisya ang tiwali at pag aabuso sa kapangyarihan at tungkulin nito. Ayon kay RD Licup ay ipinahayag sa kanya ni City Director Carriaga na nasa buy-bust operation di umano ang pulis nang mangyari ang pagbaril.
Tumakbo ang driver ng van at muntik nitong masagasaan si PCI Immaculata kaya nagkaroon ng putukan, wala namang natamaan o nasugatan, nahuli ang driver na siyang suspek sa follow up operation ngunit nakatakas pa rin ito. (with reports of Kia Lamo, Imee Austria and Estrella Miranda)