Photo courtesy of the Philippine National Police

City News

Gwardya sa Puerto Princesa, sinaksak patay

By Jane Jauhali

November 02, 2021

Tinutugis na ng otoridad ang salarin sa pananaksak patay sa gwardya ng J Marketing habang ito ay naka-duty pasado 12:25 ng madaling araw Nobyembre 2, sa kahabaan ng Rizal Ave, Brgy. Manggahan sa Lungsod ng Puerto Princesa.

Kinilala ang biktima na si Jessie Mampay, 44 anyos at residente ng Zone 5, Brgy. San Pedro.

Sa imbestigasyon ng Police Station 1, naka-duty ang biktima ng lapitan ng mga suspek na pinaniniwalaang nakainum at nagkaroon ng pagtatalo ang tatlo. Isa sa kanila ang walang awang sumaksak sa biktima.

Nagtamo ito ng saksak sa kanyang dibdib na agarang ikinamatay nito.

Samantala, iniimbestigahan na ng Pulisya ang krimen upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin.