City News

Higit 1,145 kaso ng dengue, naitala ng CHO

By Palawan Daily News

November 13, 2018

Tinatayang mahigit 1,145 ang kaso ng dengue mula buwan ng Enero hanggang Nobyembre ng taon, ayon sa City Health Office (CHO).

Ayon kay Kent Ventura at Vector Borne, Program Coordinator ng CHO, sa 1,145 na naitala ng kanilang tanggapan ay may 12 dito ay hindi naagapan at binawian ng buhay. May iba naming baka hindi naitala dahil sa pribadong klinika sila nagpagamot.

May pinakamataas na kaso ang Bgy. San Pedro sinusundan ng Bgy. San Jose. Samantala, sa kabila ng patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue sa lungsod ay hindi naman daw umano nagpabaya ang City Health Office dahil kabikabila at puspusan na din ang kanilang ginagawang “misting operations.”

Humihingi ang tangapan ng tulong sa mga residente dahil hindi sapat kung tanggapan lamang nila ang kikilos upang sugpuin ang naturang sakit. Dapat anya na kada bahay at maglinis ng kanilang paligid para walang matirhan ang mga lamok. Ang naitala ngayon ng City Health Office na kaso ng dengue ay halos dumidikit na sa bilang noong taong 2013 na pinakamataas sa buong lungsod. (VM/PDN)