Nagbabala pa rin ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang publiko sa pagkuha, pamimili at pagkain ng mga shellfishes kabilang na tahong, sikad-sikad, talaba at iba pa. sa mga lugar na mataas ang antas ng red tide toxins.
Sa inilabas na shellfish bulletin ng (BFAR) noong November 27, 2020 nananatili na positibo pa rin sa paralytic shellfish poison ang baybayin ng Inner Malampaya Sound sa Taytay, Palawan, Honda Bays at Puerto Princesa Bay.
Dagdag pa ng BFAR, safe naman kainin ang mga isda, alimango, hipon at pusit basta’t nalinisan ng maayos ang mga ito bago iluto.