Photo Credits to Bureau of Corrections

City News

IPPF, nagsagawa ng fire drill sa Minimum-Security Compound

By Jane Jauhali

March 28, 2023

 

Matagumpay na naisagawa ang fire drill execution ng lwahig Prison and Penal Farm (lPPF) sa Minimum-Security Compound, Central Sub-Colony, IPPF noong nakaraang linggo sa pamumuno ni Superintendent ng IPPF, C/CINSP Gary  A Garcia.

 

Ang mga partisipante ay ang mga Persons Deprived of Liberty (PDL) at mga personnel na na-assign sa loob ng Maximum.

 

Layunin nito na matutunan ng mga lumahok ang tamang pagsagip sa ano mang sakuna tulad ng sunog, at pagtulong kaugnay naman sa vehicular accident.