Tatlong araw na pagsasanay sa pamamagitan ng pagtuturo sa Adult Education/Literacy Enchancement para sa karagdagang kaalaman sa pagbasa at pagsulat, ang inihandog ng Palawan State University – College of Teacher Education sa pangunguna ni Prof. Myrna B. Quinon sa mga Person Deprived of Liberty (PDL) sa Sta Lucia Sub-Colony.
Nagsimula ang pagtuturo sa 26 na PDL noong Abril 20 at ngayong araw 27, at sa Mayo 4, 2022.
Layon ng aktibidad na ito ay upang madagdagan ang kaalaman ng mga PDL matutong bumasa at magsulat,dahil malaking bahagi rin ito sa kanilang paglaya ay magagamit nila ang kaalaman sa komunidad.
Samantala, sinisiguro naman ni Correction Superintendent Joel R. Cavelo, Acting Superintendent ng Iwahig Prison and Penal Farm na lahat ng programa ay maihahandog sa mga PDL ng sa ganun ay kanilang mapakinabangan sa araw na sila ay lumaya.