City News

Isa patay, dalawa sugatan sa banggaan ng motorsiklo sa WESCOM Road

By Jewerly Cabanoang

May 25, 2020

Dead on arrival sa pagamutan ang isang lalaki nasawi habang dalawa ang sugatan matapos magkabanggaan ang mga ito lulan ng kanilang mga motorsiklo sa Wescom Road, Barangay San Pedro kaninang madaling araw, May 25.

Kinilala ang nasawi na si Charlie Talunga Falcunitin 27 anyos, habang sugatan naman ang kasama nito at driver ng motorsiklo na kinilalang si Vona Hesper Plona na napag-alamang miyembro ng PDEA, na kapwa residente ng Barangay San Miguel, lungsod na ito.

Sugatan din ang kabanggaan ng mga ito na kinilalang si Von Kevin Chavez at residente ng Kalikasan Homes, Barangay San Pedro.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Mendoza PNP, magkasalubong ang dalawang motorsiklo sa pinangyarihan ng aksidente at sinasabing pawang nasa impluwensya di umano ng alak ang mga biktima.

Samantala, patuloy parin ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya kaugnay sa naganap na aksidente.