City News

Isa sa mga suspek sa dalawang robbery cases sa Puerto Princesa, arestado na

By Jane Jauhali

May 16, 2022

Hawak na ngayon ng Puerto Princesa City Police Office ang isa sa mga suspek na may kinalaman sa dalawang robbery incidents sa Puerto Princesa.

Kinilala ng PPCPO ang suspek na si Harvey Francisco Valanza na nahuli sa ginawang buy-bust operation noong Mayo 5 sa Barangay Bancao-Bancao.

Namukhaan ang arestado sa CCTV footage na hawak ng pulis ngayon. Kabilang siya sa tatlong robbery suspects.

Naging basehan din ng PNP ang mga basyo ng Caliber 45 na sumailalim sa Ballistics Examination na isinagawa ng Forensics Unit.

Kung matatandaan noong Marso  12, 2022 ganap na 10:20 PM, nabiktima ng mga suspek ang mag-asawang negosyante na sina Mark Anthony A Caadan at Neneth G Saguban, kung saan natangay ang  Php500,000.00, dalawang cellphones na may GCash load nagkakahalaga ng Php100,000.00.

Makalipas ang mahigit isang buwan, mag-ina na naman ang nabiktima ng mga holdaper noong Abril 21, 2022, sa MP Rd, Brgy. San Miguel ganap na 11:30 AM.

Ang biktima ay si Norberta C Paredes,  retired teacher na nakuhanan ng  bag na naglalaman ng ATM’s, ID’s at cash  Php10,000.00.

Sinampahan na ito ng two (2) counts ng Robbery at na nasa kostudiya na ng Puerto Princesa City Police Office.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga kapulisan sa dalawa pang suspek upang matukoy  na pagkakakilanlan ng mga ito.