City News

Junk shop sa Sicsican, nasunog

By Jane Jauhali

January 18, 2022

Isang junk shop sa Barangay Sicsican ang nasunog kahapon, 4:26 ng hapon, Enero 17.

Agad namang nag responde ang kawani ng Bureau of Fire Protection sa Dimalanta Road, Puerto Star Apple, sa nasabing barangay, upang apulahin ang apoy.

Nang dumating ang mga bumbero ay unti-unti na rin namang naapula ang sunog matapos na pagtulungan ng mga tao.

Ang nasabing establisyemento ay pag-aari ni Ma. Teresa Pacheco Barone.

Ayon sa mga otoridad, humigit kumulang isang libong piso ang naging danyos dulot ng sunog. Inaalam na rin ng BFP ang naging dahilan sa pagkasunog ng junk shop.