Photos courtesy of Mitch Floria.

City News

Kapatid ng biktima ng hit and run, nananawagan ng tulong na madakip ang nakabangga

By Sevedeo Borda III

January 05, 2020

Sa eklusibong panayam kay Mitch Floria ng Palawan Daily News, naghihingi ito ng tulong na mahuli ang taong nakabangga sa kanyang kapatid nitong bagong magpasko lamang sa Roxas Street, Puerto Princesa City.

“Sana magpakita na sya at makonsensya naman sa ginawa nya sa kapatid ko. At sana pagbayaran nya ang perwisyo na dinulot nya. Di maka pagtrabaho ang kapatid ko. Araw araw gumagastos kmi ng P7,000 para makabili ng mga kailangan nyang gamot para malusaw ang namuong dugo sa ulo niya,” pahayag ni Mitch. “Tulungan naman niya po sana kami sa aming gastusin dapat na magbayad siya.”

Ayon sa kanya, binangga ng isang traysikel ang kanyang kapatid na si Carlo Floria, 28, habang ito nagmamaneho ng kanyang motor nitong ika-24 ng Disyembre 2019 bandang 4:45 ng umaga.

Dagdag nito na matindi ang tama sa ulo ng kaniyang kapatid nang ito ay tumama sa gutter. Kasalukuyan namang nagpapagaling ito sa Palawan MMG Cooperative Hospital.

Carlo Floria, 28 years old,. Photos courtesy of Mitch Floria.

“Pag naturok sa kanya iyong [mga gamot] vials niya ay okay naman siya. Pero pag hindi agad nabibigay nag-seizure po siya. Okay na at kaya na niya naman po magsalita,” saad ni Mitch.

Walang plate at body number ang nasabing traysikel na dali dali namang umalis pagkatapos nitong nabangga ang biktima.

“Sa halip na huminto at tulungan sya. Makonsensya naman. Parang awa mo na. Paano ka makatulog niyan sa gabi,” saad ni Mitch sa kaniyang Facebook post ukol sa insidente.

Sa ngayon, hinahanap na ng mga otoridad ang nakabanggang drayber ng traysikel.