Photo Credits to Renelyn's TV

City News

Kauna-unahang mobile business one-stop-shop, isinagawa sa Brgy. Cabayugan, Puerto Princesa

By Claire S. Herrera-Guludah

February 20, 2023

Buong pusong nagpasalamat si Business Permit and Licensing Officer Thess V. Rodriguez, ng Puerto Princesa sa kooperasyon na ipinagkaloob ng kanyang mga kaagapay upang maisakatuparan ang kanilang aktibidad na isinagawa kamakailan sa Sityo Sabang, Barangay Cabayugan nitong nakalipas na linggo.

 

Ang kauna-unahang mobile business-one-stop-shop ay pinangunahan ng bumubuo ng joint inspection team.

 

Sa isinagawang ulat ni Rodriguez, ang Mobile BOSS ay nakapagkolekta ng halagang P133, 241.12, 49 na transaksyon, may nailabas na 23 permit, samantalang ang iba ay kasalukuyan pang isinasaayos ang ilang kakulangang papeles.

 

Samantalang mayroong nainspeksyong establisiyemento na 8, samantalang ang 4 ang naisyuhan ng sertipikasyon.

 

Sa pag-alalay ng PPUR Manager na si Beth Maclang, nagging mas mabilis ang proseso ng kanilang mga aktidad at inaasahang magagawa pa ito sa ilang mga lugar sa ibang itinakdang pagkakataon.