Nakatakda na naming pagtalakayan sa pangunguna ng komite ng transportasyon ng Sangguniang Panlungsod ng Puerto ang isyu hinggil sa halaga ng pamasahe sa mga traysikel na bumabyahe mula sa bagong terminal sa Brgy. Irawan hanggang sa poblacion area.
Matatandaan na naging viral sa iba’t-ibang accounts sa social media ang isyu sa napakataas na singilin ng mga namamasadang traysikel na bumabyahe sa naturang lugar.
Ito ay nangyari nang magsimula ang operasyon ng bagong terminal sa Barangay Irawan, lungsod ng Puerto Princesa.
Batay kasi sa naging rekomendasyon ng City Traffic and Franchising Regulatory Board (CTFRB) na magkaroon ng P40.00 hanggang P50.00 bilang special rate ng pamasahe kada pasahero, para lamang sa mga malapitang distansiya katulad ng rutang Irawan terminal hanggang Sicsican o City Hall at long distance route ng mga tricycle gaya na lamang ng magmumula sa new terminal hanggang Brgy. Bancao-bancao.
Nabatid mula sa opisina ni City Councilor Nesario Awat, Chairman ng Committee on Transportation kanilang bibigyang tuon ang bagay na naturan sa mga susunod na araw at nakatakda silang magpalabas ng rekomendasyon upang mapagtalakayan naman sa konseho ng siyudad.