Timbog sa isinagawang search warrant operation ng Puerto Princesa City Police Station 2 ang isang lalaki nang makumpiska sa pangangalaga nito ang isang baril at mga bala mga bandang alas 7:20 kaninang umaga, Pebreo 5, 2021, sa Barangay Sicsican, Puerto Princesa City.
Kinilala ang suspek na si Orlando Castorico Alvarez, 38 anyos, Quality Control Officer at residente sa Purok Narra sa nabanggit na barangay.
Sa bisa ng search warrant mula sa korte ay nakita sa cabinet nito ang isang 9mm revolver at tatlong bala nito. Wala namang naipakitang kaukulang papeles ang suspek.
Sa ngayon, nasa pangangalaga na ng PNP si Alvarez at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunitions Act.