Sinaksak ng isang lalaki ang kalaguyo ng kanyang asawa ng maabutan niya itong magkayakap sa kanilang tahanan pasado 11:00 P.M. noong Martes, ika-22 ng Pebrero sa Zone 3, Bgy. Tagburos.
Maghahatid lang sana ang suspek na kinilalang si Lydio Cababat ng gatas para sa anak. Ngunit naabutan nito ang kanyang asawa na si Mabelle na kayakap ang kalaguyo nito na si Alwin Gachalian sa kanilang bahay na naging dahilan upang magdilim umano ang paningin ng suspek upang magkagulo sila at masaksak niya ang biktima.
“Naabutan ko po sila na magkayakap ng asawa ko pag hatid ko ng gatas sa bahay nakita ko na nakaboxer lang ang lalaki tapos nakayakap sakanya kaya bugso ng damdamin nagkagulo kami binugbug nya ako kaya ko sya nasaksak,” pahayag ni Cababat.
Matagal na umano’y nababalitaan ng suspek ang panloloko ng kanyang asawa sa kanilang mga kapitbahay ngunit hindi niya ito pinaniwalaan hanggang sa tuluyan ng nakipaghiwalay ito sa kanya.
Samantala, sa pahayag naman ng asawa ng biktima na si Mabelle, dalawang buwan na umano silang hiwalay ng suspek kaya duon na sa kanilang bahay nakatira ang kanyang bagong kinakasama na si Gachalian.
Ang biktima ay nagtamo ng isang saksak sa tagaliran. Matapos ang insidente agad din namang sumuko ang suspek sa mga Bgy. Tanod at nadala naman ito ng mga awtoridad.
Sa huli, dahil kasal ang suspek sa kanyang asawa magsasampa ito ng kaso laban sa kanyang asawa at sa biktima na kalaguyo nito dahil sa pangloloko sa kanya ng mga ito.
Discussion about this post