Photo courtesy of City Information Officer Richard Ligad

City News

Lalaki, timbog sa buy-bust operation sa Brgy. Tiniguiban

By Jane Jauhali

September 30, 2021

Timbog sa ikinasang drug buy-bust operation ng Police Station 2 at City Anti Crime Task Force ang isang drug suspect sa Purok San Francisco, Brgy. Tiniguiban, sa lungsod ng Puerto Princesa ganap na 12:55 PM ngayong araw, Setyembre 30, 2021.

Kinilala ang suspek na si Raymond Vergara OrdoƱa, 40 anyos, may-asawa, mangingisda, at residente ng Purok Abanico, Brgy. San Pedro.

Sa ulat ng Pulisya, ang suspek ay nabilhan ng dalawang pakete na pinaniniwalaang iligal na droga kapalit ang P1,000 na buy-bust money. Samantala mahaharap sa kasong paglabag ng Republic Act 9165 o comprehensive dangerous drug act of 2002 ang nasabing lalaki.