Patay ang isang lalaki matapos na tagain sa Ranchero Phase II Brgy. Sta. Lourdes sa Puerto Princesa.
Kinilala ang biktima na si Aguilar Dalisay habang ang suspek kinilala na si Albert Archedera.
Sa imbestigasyon ng Police Station 2, ganap na 9:30 ng umaga November 8, ng mapaulat sa kanilang himpilan ni Julius Magbukid Sinlao magkasama ang suspek at ang biktima.
Uminom nung gabi ng linggo, at kahapon pumunta siya sa bahay ng biktima upang maningil sana ng utang nito ngunit nakita nito na naliligo na sa dugo ang biktima na natadtad ng taga sa at mukha balikat at likod.
Samantala nagsasagawa narin ng hakbang ang PNP upang sa ikadarakip sa suspek na si Archedera.