City News

Lalaking nagbebenta ng Marijuana, arestado

By Gilbert Basio

December 15, 2020

Kalaboso sa isinagawang drug buy-bust operation ng mga otoridad ang isang helper mechanic kaninang mga bandang 12:10 ng madaling araw sa Barangay San Jose, Puerto Princesa City.

Base sa report ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO), ang suspek ay kinilalang si Simple Cesar Yayen, 20 anyos, binata at residente sa Barangay San Manuel ng nasabing lungsod.

Nakumpiska sa pangangalaga nito ang dalawang supot ng plastik na pinaghihinalaang Marijuana at 500.00 pesos na buy-bust money.

Samantala, sa ngayon, si Yayen ay nasa pangangalaga na ng PNP at kakaharapin ang kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 ng Article II of Republic Act 9165 o pagbebenta at pag-iingat ng ipinagbabawal na droga.