Photo courtesy of Puerto Princesa City Police Station 1

City News

Lalaking nagmamay-ari ng ilegal na baril at bala, huli sa Brgy. San Manuel

By Radz Arsad

September 16, 2021

Arestado ng mga awtoridad ang isang lalaking nagmamay-ari ng ilegal na baril, mga bala at airsoft sa Pagayona Rd., Purok Masagana, Brgy. San Manuel, Puerto Princesa City kaninang 9:18 ng umaga, ika-16 ng Setyembre taong kasalukuyan.

Ayon sa police report ng Police Station 1 (PS1), kinilala ang suspek na si Eluisito Valledor Gallardo o kilala sa tawag na Weng, at residente ng nasabing lugar. Nakumpiska sa kaniya ang isang Caliber .38 na walang serial number, 5 bala, at isang M16 Airsoft Rifle.

Si Gallardo ay nahaharap sa kasong ‘’Unlawful Acquisition of Possession of Firearms and Ammunition’’ o Republic Act 10591 Sec. 28 Art. 5. Kasalukuyan namang nasa kustodiya na ng polisya ang nasabing suspek para sa tamang desposisyon.