City News

Lalaking nakuryente habang nasa taas ng puno, patay

By Jane Jauhali

December 06, 2021

Patay ang isang lalaki na nasa taas ng puno matapos na makuryente sa Brgy. Luzviminda sa Lungsod ng Puerto Princesa.

Kinilala ang biktima na si Efren Villeza, 23 anyos at residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Palawan Daily news team, inakyat ng biktima ang puno matapos umanong utusan ng kanyang amo upang na magputol ng palapa ng niyog, ngunit dumikit ang paa nito sa kawad ng kuryente dahilan na mahulog mula sa taas ng puno.

Sinubukan pang dalhin sa pagamutan ang biktima ngunit dead on arrival na ito.

Patuloy na iniimbestigahan ng PS2 ang naturang insidente.