City News

Lending credit officer, kalaboso sa drug buy-bust operation

By Gilbert Basio

January 29, 2021

Arestado ang isang lending credit officer sa ikinasang drug buy-bust operation sa Barangay San Pedro, Puerto Princesa City kaninang umaga, Enero 29, 2021.

Kinilala ang suspek na si Herte Ian Apundar, 38 anyos, may asawa at residente sa Marcelo compound, Barangay San Pedro.

Nakumpiska sa kanya ang tatlong plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu, Php15,000.00 na buy-bust money at isang cell phone.

Nasa kustodiya na ng Police Station 1 ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.