Na-rescue ng mga otoridad ang limang turista at pitong crew ng tumaob na tourist boat na M/B Mark Grace 15 sa Honday Bay ganap na alas-12 ng tanghali kahapon, September 12.
Ayon kay Lieutenant Commander Christian Jazmin, tagapagsalita ng Philippine Cost Guard District Palawan, matapos silang makatanggap ng impormasyon agad agad silang nagsagawa ng search and rescue operation para mailigtas ang mga crew at ang mga turistang pawang mula sa Quezon City.
Sinabi pa ni Jazmin na malakas na hangin o tinatawag na subasko umano ang dahilan kung kaya tumaob ang bangkang pangturista.
Sa pahayag ng mga biktima, umuulan ng maglayag sila pero maayos naman ang panahon subalit pagdating nila sa bahagi ng Luli at Bat island ay biglang lumakas ang hangin.
Tumulong rin umano sa kanila ang ilang tourist boat na napadaan sa lugar.
Samantala, nakuhanan naman ng video ang actual na pagsagip sa mga biktima kung saan makikita at maririnig ang kanilang paghingi ng tulong maging ang nakataob na bangka.
Sa ngayon ay nasa maayos nang kalagayan ang mga biktima.