City News

Lumang alitan, sanhi ng pagbaril-patay sa lalaki

By Sevedeo Borda III

January 21, 2019

Patay ang isang lalaki ng binaril ng kasama nito sa inuman. Kinilala ang biktima na si Venzor Condesa ng Purok Pagkakaisa, Barangay Simpucan, Puerto Princesa.

Si Jonald Galinato naman ang bumaril sa biktima. Ayon sa imbestigasyon ng Police Station 2, nag-iinuman ang mga ito at nang tumayo upang umihi ang 21-anyos na biktima, sinundan ito ng 31-taong gulang na suspek at binaril.

Tinamaan ito sa kanang bahai ng tiyan na agad naman nitong ikinasawi. Sinubukan ding tumakas ni Galinato ngunit nahuli rin ito ng kapulisan. Nakuha sa crime scene ang tatlong live cartridges ng shotgun at isang basyo.

Ayon sa pulisya ang sanhi ng pamamaril ay dati daw nakaalitan ng biktima ang suspek.