City News

Mayor Bayron, dodoblehen ang serbisyo at proyekto

By Jane Jauhali

May 16, 2022

Sa naganap na flag-raising ceremony kanina Mayo -16 sa City Government Center, nanawagan si reelected Mayor Lucilo Bayron na isantabi na ang election kung saan nakapag- desisyon na ang mamamayan at nakapagtalaga na ng mamumuno sa Lungsod.

“Tapos na ang election. The people had decided at mayroon ng mga tinalaga silang mamumuno sa ating lungsod sa ating bansa. Kailangan tanggapin natin ang resulta na ito. At saka hinihingi ko sa inyong lahat na iwanan na natin ang election mode, tapos na ang election. Back to work na tayo,” ani ni Bayron.

Dagdag pa ng punong lungsod, kung noon apurado at naging super apurado, ngayon mas hihigitan pa nito at mas maraming proyekto ang Puerto Princesa.

“Kung meron super-super apurado meron mega-apurado andun na tayo sa stage ngayon. Kaya mas marami ang kailangan e-deliver natin. Sa City Engineering at City Architect, kailangan mag-meet na kayo be ready i-brief niyo ako kung ano na ang ongoing status ng projects by administration, by contract; anu ang mga nagiging problema,” dagdag nito.

Tinawag pansin din ni Bayron ang City Health Office na kailangan din na maghanda para sa Satellite Clinic sa Barangay Luzviminda.

“City Health kailangan mag-ready na rin kayo,m. Iwill call upon you na siguradohin ko na ang ating satellite Clinic sa Luzviminda ay may nag-ooperate na, as we expected to operate dapat may mga doctors doon. We hired doctors with a higher rate, kesa sa mga doctors natin dito dahil doon sila magrereport. So nag-expect ako na may doctor tayo doon na mag-deliver ng health kit services sa mga mamamayan natin sa South East,” saad ni Bayron.

Samantala, hinihiling din ng alkalde sa Finance Committee sa mga bumubuo sa financial management kailangan e-review ang lahat ng sitwasyon kaugnay sa mga taxes na pinapatupad sa kasalukuyan.

Maging ang Department of Agriculture kailangan din magsumite ng report upang malaman ang sitwasyon ng food production.

Aniya, mahirap ang sitwasyon kung patuloy na mag-import ng pagkain.

Tinatawagan ng pansin din ang iba’t ibang ahensya sa City Government na gawin 80 hanggang 85 percent ang pagtratrabho upang mas maibigay at tuloy-tuloy na programa proyekto at serbisyo sa mamamayan.

“Bawat araw natin kailangan tuloy-tuloy ang trabaho because our people expect yung mga services na kailangan nila at yan ay kailangan ng buong lungsod ng Puerto Princesa.we have to work together this time us a team, kailangan ng team work, at pagkakaintindihan,” ani ni Bayron.