City News

Konsehal Awat, nais pag-aralan ang Joint Circular ng DILG at DOTr kaugnay sa pagbabawal sa mga tricycle sa national highway sa lungsod

By Jane Jauhali

July 06, 2022

Nais pag-aralan at bigyang solusyon ni Konsehal Nesario Awat, ang Memorandum Circular No. 2020–036, kaugnay sa pagbabawal sa mga pampasaherong tricycle at jeepney sa national highway bilang bagong Chairman ng Committee on Transportation.

Aniya, sa dalawang termino nito bilang Konsehal ay nagkaroon na umano siya ng pag-aaral ukol dito at lumalabas umano na hindi talaga batas ang pagbabawal sa mga tricycle at jeepney sa national highway.

Kaugnay ito sa Joint Circular ng Department Interior and Local Government (DILG), at Department of Transportation Regulation (DOTr) na may kaukulang multa na hindi baba sa P500.

“Unang-una kailangan makipag-usap tayo sa kanila, naniniwala tayo dapat ang gobyerno may tinatawag na pagtatanong, partisipasyon ng mga apektado at yan ay mga tricycle drivers at saka mga jeepney drivers…at lahat ng mga kasama natin na gumagamit sa lansangan [in] others words we have to involve the public in-terms of what we will do, we will address the problem of our tricycle drivers so more on cooperation nila ang kailangan natin and of course iyon ang kanilang recommendation to solve of their problem,” ani ni Awat.

“Ito ay nangyari lang in my study kasi sa dalawang termino narin tayo na talagang yong binabanggit ay hindi naman talaga yong batas na nagsasabi na bawal ang tricycle driver, ito ay nangyari lamang ng magkaroon ng prohibisyon because of the joint circular ng DILG at DOTr at nakalagay nga doon na ang penalty not more than P500…but unfortunately, yong Joint Memorandum Circular ng DILG at DOTr ay hindi na r-revoke or even amended so yon siguro ang w-work out natin,” saad ni Awat.

Dagdag pa ni Awat, sa pakikipagtulungan ng City Government at ng Local Government Unit sa pamamagitan nito ay may solusyon pa umano na dapat mabigyan pansin, at para sa kanya may nakikita na siyang mga posibleng rekomendasyon na may kinalaman sa pagbabawal sa mga sa mga ito sa national highway.

“Naniniwala tayo us far as the City Government of Puerto Princesa probably and other LGUs ito yong problema na dapat mabigyan ng tamang solusyon, ako may nakikita na ako na mga posibleng rekomendasyon may kinalaman sa bagay na iyan, kung kaya nga sabi natin simulan muna yung suhestiyon unless yong ating mga rekomendasyon will be support by the tricycle driver.” paliwanag ni Awat.

“I-coconsider natin iyan [at] isa sa mga i-address natin sa Government…alam naman natin ang City Government ay may kakayahan para tumulong…makapagbigay ng suporta sa ating mga nasa lansangan lalong-lalo na yong mga involve sa ganitong hanapbuhay ng ating mga jeepney drivers at multicab drivers.” dagdag pa ni Awat.

Nakahanda rin umano itong tulungan ang mga tsuper kung hindi kakayanin na makabili ng mini-bus dahil possible narin umano na palitan ang mga multicab sa national highway dahil siya rin ang may hawak ng Committee on Livelihood.

“Yes infact I’m the Chairman ngayon ng Committee on Livelihood and the cooperatives…isa iyan sa bibigyan namin ng priority kung papaano matutulungan yong ating mga kababayan in terms of supporting ng City Government…at naniniwala tayo na ang City Government ay may capacity…possible na madanas yong doctrine na naging increase na yong budget ng City Government,” ani ni Awat.

“I think if I’m not mistaken nag-increase na ang budget…more than 1.3B for this year of 2022…at ito ay available parin sa year of 2023 and with that siguro ay hindi naman mahirap in-terms of a legislation I will address their problem.” dagdag pa ni Awat.

Samantala, hinimok naman ng Konsehal ang mga tsuper at operators na gumawa ng letter of recommendation ng sagayon ay magkaroon ng legislative action ang Sangguniang Panlungsod. Sa pamamagitan umano ng kanyang komite, ay magkakaroon ng tinatawag na appropriation terms para sa mga nangangailangan ng tulong pinansyal para sa mga drayber ng tricyle at jeepney.