City News

Mga bagong gusali sa Langogan at Bacungan, inagurahan na

By Palawan Daily News

September 27, 2018

Ininagurahan na ang bagong Multi-Purpose Hall na Barangay Hall sa Barangay Langogan, lungsod ngPuerto Prinsesa, noong ika-17 ng Setyembre. Kasabay ng inagurasyon nito ay ang opisyal na pagturn-over ng gusali at ng susi na senyales na maaari na itong gamitin ng pamunuan ng Barangay at ng mgaresidente nito.

Taus-puso naman ang pasasalamat at buong galak itong tinanggap ng barangay, sa pamumuno ni Kap Camilo Bebit at ng kanyang mga kasamahang opisyales. Aniya, lubos ang kanilang pasasalamat sa mga proyektong natatanggap ng kanilang barangay lalo na sa kanilang barangay hall at school buildings na iginawad sa Langogan National High School at Makandring Elementary School.

Samantala, sa pareho ring araw ay pinasinayaan ang dalawang palapag na Day Care Center sa Barangay Bacungan.

Lubos ang pasasalamat ng pamunuan ng barangay na si Kap Gina Valdestamon. Aniya malakiang pasasalamat niya sa biyayang natanggap ng kanilang komunidad at nabiyayaan sila ng magandang gusali para sa kanilang Day Care Center. Dagdag pa niya, pag-iingatan nila itong mabuti bilang pasasalamat sa kabutihang puso ni Congressman Gil “Kabarangay” Acosta.

Dumating naman sina Kabarangay For Change Chairman Atty. Gil A. Acosta Jr., Chief-Of-Staff Atty.

Michelle Ricaza-Acosta at Engr. Mario Tupaz ng Department of Public Works and Highways (DPWH) upang personal na masaksihan ang naturang programa. (PR)