Larawang Kuha ni Michael Escote / Palawan Daily News

City News

Mga guro sa lungsod ng Puerto Princesa, hinikayat ng DepED na ipagpatuloy ang pagmamahal,pag-aaruga at pagbabahagi ng kaalaman sa mga kabataan

By Michael Escote

September 06, 2019

Hinikayat ng Department of Education School Division ng Puerto Princesa City ang mga guro sa lungsod na ipagpatuloy ang pagmamahal, pag-aaruga at pagbabahagi ng kaalaman sa mga kabataan.

Sa ginanap na ika-23 taong anibersaryo ng pagkatatag ng Deped School Division ng Puerto Princesa City sa City Coliseum, September 6, 2019, sinabi ni Dr Roland Taha, Education Supervisor for Science, na siyang kumatawan kay School Superintendent Susane Bautista, na ang tema ng ngayong taon na #citydeped  2.3: loving: sharing : caring ay napapanahon  kaya dapat na ipagpatuloy ito para sa mga kabataan na siyang pag asa ng ating bayan.

“Today we are celebrating our diversity, we are diverse and yet you are committed to achieve our common goals, to achieve quality education in Puerto Princesa City.  Our theme today is very  much timely, ‘#City Deped  23 years of loving sharing and caring.’ We have to continue loving sharing and caring for our youth,  the hope of this country,” ani ni Taha.

Ayon pa kay Dr Taha, ang mga guro ay  tinuturuan ang kaisipan, hinihipo ang puso at pinalalakas ang bawat indibidawal.

Samantala, hinikayat rin ni Taha ang mga guro na maging matatag  sa pagharap sa mga hamon ng   21st century.

“ As we face the 21st century, let remain steadfast, let remain to be resilient as we are known as a resilient people in the world. I know that our journey in the Deped had not be an  easy journey. There will be always challenges that make us strong, stronger and stay,” dagdag pa niya.

Kaugnay nito ay pinuri naman ni City Councilor Victor Oliveros, Chairman ng Committee on Education ng City Council, ang City Dep-Ed sa  pag-aksyon nito sa mga kinaharap na problema tulad na lamang ng nangyari sa isang paaralan sa Barangay Napsan at ang mga pagbabagong naganap sa Palawan National School.

Ayon sa kaniya, napaka-professional ng paghawak ng City Deped sa problema at ito ay nasulusyunan agad.

Kinumpirma niya rin na kung noon ay palaging may nagpapadala sa kaniyang tanggapan ng sulat tungkol sa problema sa kanilang maintenance and other operating expenses o  MOOE ng paaralan pero ngayon ay wala na raw siyang natatanggap na sulat.

Sinabi pa niya na sa tuwing iikot siya ng barangay ngayon  ay may nakikita silang magandang pagbabago lalo na sa kaugaliin ng mga estudyante  hindi tulad noon at ito ay  resulta umano ng magandang pamumuno ng bawat isa.

Bago nagkaroon ng programa ay nagkaroon umano ng fun Run ang mga guro mula sa Robinsons Place Palawan na sinundan ng isang Mass.

Nagkaroon rin ng isang seminar patungkol sa financial planning at pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga guro kung saan ang nagging keynote speaker ay ang sikat na si Peter Sing, ang nagtatag ng Palawan Savers Club.

Dumalo sa pagdiriwang ang mga guro mula elementary at secondary ng syudad ng Puerto Princesa, mga opisyal ng City Deped, PTA federation officials, private schools officials, kinatawan mula sa  Third Congressional District office at mga opisyal ng Civil Service Commission o CSC Palawan sa pangunguna ni Director Marissa Barba.

Matatandaang noong September  5,1996 ay naisabatas ang Republic Act  8204 o  “An Act Creating a Separate Schools Division in Puerto Princesa City Province of Palawan” na inakda ni dating Palawan Second District  Representative  Amor Abueg Jr.