Handang-handa na umano ang mga kawani ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office Palawan (PDRRMO) na magpa-bakuna oras na dumating na ang COVID-19 Vaccines na tatak Sinovac.
“Sa opisina ko [PDRRMO] wala pong may ayaw lahat po ay gusto magpa bakuna it will depend nalang doon sa kanilang health assessment kung sila ay qualified na tumannggap ng bakuna.” Ayon kay PDRRMO Head Jerry Alili.
Dagdag pa ni Jerry Alili, tiwala umano siya kahit anong brand pa umano ng vaccine ang makukuha ng Pilipinas dahil dumaan naman ito sa masusing pagsusuri ng Food and Drugs Administration (FDA).
“Regardless po kahit ako po on my part regardless of the brand of vaccine [Sinovac] because naniniwala po ako doon sa kakayahan ng ating FDA to assess yung vaccines na ibibigay sa atin dito sa ating bansa. So I rely on their capacity to assess yung mga vaccines na ibibigay. So kung ito ay aprubado na sa kanila at kahit anong brand po yan at kung saan po nanggaling ay kami po ay magpapa-bakuna, ako po magpapabakuna.”
Para naman kay Randy Quimson isang OFW na kakauwi lamang ng Palawan.
“Hindi. Pero Kung mandatory requirements siya sa mga transaction dito sa Pinas lalo na kung lalabas nang bansa. Siguro I will, pero for now, no ako.”
Para naman kay Mark John na isang empleyado ng Hotel.
“Di naman kasi talaga pang cure sa covid. Pero makakatulong sa pagpapalakas ng antibodies, kaya oo.”
Bagaman marami ang nag-aalinlangan pa na magpa bakuna, inaanyayahan naman ni PDRRMO Jerry Alili ang lahat ng qualified na magpa-bakuna.